Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga dahilan ng abnormal na paglalaway ng isang tao.
Mga bihirang sanhi ng “extreme†na paglalaway
Syphilis (isang bacterial infection na nakukuha sa pakikipag talik)
Tuberculosis (sakit na kung saan apektado nito ang baga)
Sanhi ng Pagbaba ng kapasidad na makalunok o manatiling nasa bibig ang laway
Paglaki ng adenoids
Tumor na nakakaapekto sa dila at paggalaw ng labi
Mga kondisyon na maaaring maka apekto sa koordinasyon ng kalamnan o sa tungkulin na puwedeng makabawas sa kakayahang lumunok o panatilihin ang laway sa loob ng bibig katulad ng:
Amyotrophic lateral sclerosis (isang sakit sa nervous system na nagreresulta ng panghihina ng kalamnan)
Cerebral palsy (isang disorder na nakakaapekto sa kakayahan na magkaroon ng koordinasyon ang katawan sa paggalaw)
Fragile X syndrome (isang namanang mental retardation)
Multiple sclerosis (sakit na kung saan ang immune system ng iyong katawan ay umaatake sa sheath na bumabalot sa iyong nerves)
Myasthenia gravis (panghihina ng mga kalamnan)