SINAMAHAN ni Vincent sa pag-uwi si Nenita na dala ang kalahating milyong piso. Minsan pa silang nag-taxi.
“Naa-appreciate ko ‘tong paghahatid mo sa akin, Vincent. At least ay hindi ako kakabakaba dito sa pera,†bulong ni Nenita.
“Walang anuman ‘yon,†sabi ni Vincent. SinenÂyasan si Nenita na huwag magkamaling i-discuss ang malaking pera habang nasa taxi.
Nakuha naman agad ng dalaga ang ibig sabihin ng binata. “Thanks for reminding me, Vincent.â€
May nais sabihin ang binata na halatang hindi masabi. “Alam kong naiiba ang gusto mong sabihin, Vincent, what is it?â€
“Baka ka manampal, e.â€
“Sasampalin ko ang kaibigan kong pinagkakatiwalaan? Vincent, hindi naman ako gano’n.â€
“Baka kapag sinabi ko, ayaw mo na akong makita.â€
“Ano ka ba? Just tell me, okay?â€
Huminga muna nang malalim ang binata, saka hiyang-hiya na nagsabi ng hindi masabi-sabi.
“Nenita, I think, ikaw ang soulmate ko.â€
Napaigtad si Nenita sa narinig. Napalunok nang maraming beses.
Na-bother si Vincent. “Sabi ko na nga ba, maa-upset ka…â€
Umiling si Nenita, nahihiyang nginitian ang binata.
“Sasampalin mo na ba ako?†kinakabahang tanong ni Vincent.
Umiling muli si Nenita, nagba-blush. “Actually…iyon din ang laman ng isip ko, bago mo nasabi.â€
“Iniisip mo ring tayo ay soulmates, Nenita?â€
“Yes! Pakiramdam ko’y matagal na kitang kaibigan at kailangan natin ang isa’t isa, Vincent.â€
Screech. Ingit ito ng taxi. Biglang preno kasi ang taxi driver. Napasubsob sina Vincent at Nenita.
“Nakita n’yo ‘yon, mga bossing? Biglang nagdaan sa harapan natin ang ghost train! Totoo ang ghost train!†bulalas ng taxi driver.
Natigilan ang binata at dalaga, nagtataka.
Hindi nila nakita ang ghost train.
(ITUTULOY)