Last part
Anu-ano ang mga Sintomas ng Katarata?
Ang katarata ay matagal mabuo at kakaunti ang sintomas nito hanggang sa makita natin na parang may humaharang na sa liwanag na ating nakikita. Ang mga sintomas na ito ay kautlad ng:
Kapag ang paningin ay maulap, malabo, at parang may humaharang na manipis na layer sa ating mata. Progressive nearsightedness sa may mga edad na ay karaniwang tinatawag na “second sight†dahil hindi na nila kailangang gumamit ng reading glasses. Mga pagbabago sa mga nakikitang kulay dahil sa discolored lens na nagiging filter.
Problema sa pagda-drive sa gabi dahil sa nakakasilaw na mga headlights.
Nasisilaw sa liwanag kapag umaga.
Biglaan ang pagbabago sa prescription ng salamin.
Paano Nada-diagnosed ang katarata?
Isang pagsusuri sa mga mata ang ginagawa para malaman ang lagay ng ating paningin (katulad ng tayo ay sinusuri kapag magpapagawa ng salamin sa mata). Pinalalaki ng doctor ang ating pupil para ma-examine ang kondisyon ng lens at iba pang bahagi ng mata.