Paninigarilyo kapag nabubuntis = bayolenteng anak.
Kung ikaw ay nagdadalang-tao at naninigarilyo, ipinapayong itigil mo na ang ‘pagpapausok.’
Una, alam naman natin na hindi talaga maganda sa kalusugan ang paninigarilyo.
Ikalawa, natuklasan din na ang paninigarilyo kapag buntis ay may epekto sa dinadalang bata.
Sa pag-aaral sa CanaÂda at sa Netherlands, kapag ang babae ay naninigarilyo habang siya ay buntis, malaki ang posibilidad na maÂging bayolente ang bata kapag lumaki na ito.
Ito ay nangyayari sa mga pamilyang maliit lamang ang kinikita, kapag tumigil sa pag-aaral, nalulon sa drugs o may criminal records. Ngunit ang mga babaeng gumagamit ng drugs, nagkaroon ng kaso o tumigil sa pag-aaral na hindi nanigarilyo habang buntis ay mas mababa ang tsansang magkaroon ng agresibong anak. Nakita sa research na maraming bagay ang may kaugnayan sa pagkakaroon ng bayolente at agresibong anak. At napatunayang ang paninigarilyo ay ang lalong nagpapalala nito.
.