Ito ay karugtong ng paksa hinggil sa kung paano mo babalansehin ang iyong pagiging misis at ina. Narito pa ang ilang hakbang:
Magplano ng romantic date – Maganda naman na mayroon kayong bonding moment kasama ang inyong mga anak. Kaya lang dapat pa rin magkaroon ng exclusive date sa iyong mister upang laging fresh ang inyong pagsasama at naalala ang mga salitang “I doâ€.
Magkaroon ng oras sa iyong sarili at ibang tao – Kasing importante ng pakikipag-date mo sa iyong mister ang pakikipag-date mo sa iyong mga anak, kaibigan at sarili. Mabuti ito para mapaunlad ang iyong social relationship sa mga taong nasa paligid mo.
Ipaalam/Ipakita sa iyong mga anak na nagsusumikap ang kanilang ama sa pagtataguyod sa kanila – Isang pagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong mister ang pagpapaalam sa inyong anak na nagsisikap ang kanilang ama. Marami kasing babae na tila nakikipagkumpetensiya sa mga padre de pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-aasikaso sa mga bata.
Pray – Ang mga nabanggit sa itaas ay magiging epektibo kung ito ay lalakipan ng panalangin. Ipanalangin mo ang iyong mister, mga anak at maging ang iyong sarili na magampanan mo ng maayos ang iyong tungkulin sa kanila.