Alam n’yo ba na ang dahon ng lemon grass o tanglad ay mabisang panlaban sa cancer? Sa isang pag-aaral, ang citral, isang molecule na matatagpuan sa lemon grass ay lumalaban para patayin ang cancer cells sa katawan. Bukod dito, mahusay din ang tanglad laban sa lagnat, depresyon at bituka. Nakakapagpakalma naman ang oil na nakukuha mula dito. Maraming produktong lotion at cream na may sangkap ng tanglad dahil sa taglay nitong anti-acne properties.