Ebola Virus Disease (4)

Last Part

Natural na Pi­nang­galingan ng Ebola Virus

Sa Africa ang mga fruit bats, partikular na sa mga uri ng hayop na Hypsignathus monstrosus, Epomops franqueti at Myonycteris torquata ang kinukunsiderang posibleng natural hosts ng Ebola virus.

Sa pagkontrol ng Reston ebolavirus sa domestic animals

Wala pang bakuna para sa mga hayop na panlaban sa RESTV na puwedeng gamitin.

Ang routine cleaning at disinfection sa piggery o monkey farms (na may sodium hypochlorite o iba pang detergents) ay kailangang gawin ng maayos upang mapigilan ang virus na maaaring magdulot ng RESTV.

Kapag may pinag­hihinalaang may outbreak, ang lugar na kung may outbreak ay kaila­ngang quarantine sa lalung madaling panahon.

Kailangang ma­hanap ang mga apek­tadong mga hayop upang mailibing o masunog ang mga katawan upang mapigilan ang panganib ng pagkahawa ng mga tao sa mga apektadong hayop.

Ang pagbabawal ng paglipat ng mga hayop na galing sa apektadong lugar patungo sa iba pang lugar ay makakabawas ng pagkalat ng sakit.

 

Show comments