Magulo ang buhay

Panaginip: Aking iniimpake ang mga lumang gamit sa isang malaking kahon. Nang matapos ang pag-iimpake ay isinara ko ito ng packaging tape. Pero may nakalimutan akong ilagay na mga gamit kaya’t binuksan kong muli ang kahon.

Isinara kong muli ang kahon pero binuksan ko ulit dahil may gamit na naisama sa kahon ngunit gagamitin ko pala. Siguro’y limang beses  nag-bukas-sara ang malaking kahon.---Miss Confused

Interpretation: Kung ang iyong napanaginipan ay nag-iimpake ka lamang, ito’y nagpapahayag na sinisikap mong kalimutan ang iyong mga nakaraang karanasan o past relationship. Kaso limang beses mong binuksan-isinara ang kahon. Ito ay nagpapahayag na halu-halo ang gulo sa iyong buhay.  Sa sobrang dami, hindi mo malaman kung saan ka mag-uumpisa para masolusyunan ang mga ito.

Show comments