Ghost train (13)

PAREHONG nagkaroon ng hawak sa mga kamay sina Nenita at Vincent, matapos nilang mag-dive sa lupa sa takot na masagasaan ng ghost train . “V-Vincent, totoo ba itong hawak natin?”

“Nenita, tingin ko nama’y genuine money ito. Na napakarami…” Mangha ring nakatingin sa hawak na paldo ng pera si Vincent.

Unti-unti silang tumayo, hawak pa rin ang instant cash. Kapansin-pansin na walang katao-tao sa harap ng katedral nang mga sandaling iyon. At nagkataon pang walang ilaw ang poste sa tapat nila.

“My God, Vincent, daang libo ito! Saan ga­ling?”

“Nenita, huwag ka na munang magtanong. Itago mo muna sa handbag mo, dali!”

Natatarantang sumunod si Nenita, isiniksik nga ang cash pati ang hawak ni Vincent sa handbag.

Saka sila kaswal na lumayo na sa lugar na iyon, kinakalaban ang kaba.

 â€œTaxi!” Nagpapara agad si Vincent.

“S-saan tayo pupunta?” bulong na tanong ni Nenita.

Ibinulong ni Vincent. “Sa bahay ninyo, bibilangin natin ang pera“Hindi puwede sa bahay namin, nandoon ang nanay ko. Ayaw noon na nagsasama ako ng lalaki, laluna’t bagong kakilala.”

“Okay, ako na ang bahala, Nenita. Hindi rin puwede sa amin, baka matiktikan tayo ng mga tarantadong tambay.”

SA MOTEL nagtuloy ang taxi. Unang pagkaka­taong nakarating sa ganoong lugar si Nenita.

“V-Vincent, utang na loob, n-nagtitiwala ako sa iyo…”

“Nenita, ano ka ba? Hindi ako nampupuwersa ng babae, laluna’t gaya mong matino. Bibilangin lang natin ang pera, trust me.”

Pumasok na sila sa motel room, ini-lock agad ni Vincent ang pinto.

Nakita ni Nenita ang malapad na kama, naramdaman ang suwabeng lamig ng aircon. Napansin niya ang TV set, ang mini-ref; pati ang napakalinis na banyo.

Napalunok ang dalagang walang karanasan. Ang alam niya’y dito nagpupunta ang mga nagmamahalan. Kapag pala siya nagka-boyfriend, dito rin siya dadalhin? Ito ang sumagi sa isip ni Nenita.

Binilang na nila ang kanya-kanyang big cash. Kapwa pala sila nagkaroon ng 500 thousand pesos each! (ITUTULOY)

Show comments