Ebola Virus Disease (2)

Ito ay unang nakita noong 1976 sa dalawang magkakasabay na paglaganap sa Nzara, Sudan, at Yambuku, Democratic Republic of Congo. Kinalaunan ay sa nayun na malapit sa ilog ng Ebola nadiskubre ang sakit na ito, kaya naman dito isinunod ang pangalan ng sakit na Ebola.

Ang Genus Ebolavirus ay isa  tatlong miyembro ng Filoviridae family (filovirus), kasama na ang genus Marburgvirus at genus Cuevavirus. Ang Genus Ebolavirus ay binubuo ng 5 distinct species:

Bundibugyo ebolavirus (BDBV)

Zaire ebolavirus (EBOV)

Reston ebolavirus (RESTV)

Sudan ebolavirus (SUDV)

Taï Forest ebolavirus (TAFV).

Ang BDBV, EBOV, at SUDV ay inuugnay sa paglaganap sa Africa, samantala ang  RESTV at TAFV ay hindi. Sa Pilipinas at People’s Republic of China nakarating ang  RESTV at maaaring makahawa ito ngunit wala pang nai-report na pagkakasakit o namatay na tao rito.

Transmission

Ang Ebola ay nagsimula sa populasyon ng tao sa pamamagitan ng close contact sa dugo, secretions, organs o iba pang likido ng  katawan ng infected na hayop. Sa Africa, ang mga hayop na naitalang nahawa ay katulad ng chimpanzees, gorillas, fruit bats, unggoy, mga usa at porcupines sa gubat.

Kumalat ang Ebola sa kanayunan sa pamamagitan ng human-to-human transmission, o direktang kontak (sa pamamagitan ng sugat sa balat at mucous membranes) at indirect contact sa kapaligiran na kontaminadong likido. Sa seremonya ng burol ng biktima ng sakit na ito, ang mga nakarimay ay maaa­ring mahawa sa namatay sa pamamagitan ng direct contact sa katawan ng namatay. Ang mga lalaking gumaling sa sakit na ito ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng kanilang semilya na hanggang pitong linggo pagkatapos gumaling. Ang mga health-care workers ay madalas mahawa habang ginagamot ang mga pasyente ng EVD. Ito ay nangyayari dahil sa close contact nila sa mga pasyente kapag ang mga tamang pag-iingat at pangangalaga ay hindi sinusunod at ginawa. Sa mga healthworkers na may contact sa mga unggoy at baboy na infected ng Reston Ebolavirus, may ilang nahawa na, ngunit hindi kinakitaan ng sintomas nito. Ang RESTV ay walang gaanong kakayahan na makahawa sa mga tao kumpara sa ibang Ebola species.

Show comments