Isang malaking kamalian ang pagtapatin ang pinto ng dalawang toilet. Ito ay taboo sa Feng Shui. Kung ang dalawang pinto ng dalaÂwang silid ay magkatapat, ito ay dapat na pareho ang size. Kung hindi magkapantay ang size ng magkatapat na pinto, ang occupant sa silid na may mas maliit na pinto ang mamalasin. Magsabit ng mirror sa pintong mas maliit para magmukha itong malaki.
Minsan ay may slanted ceiling kaya’t upang maiangkop ang pinto, ito’y nagiging slanted din. Isang malaking pagkakamali kung ang itaas ng pintuan ay slanted. Ang resulta nito ay mabigat na sakit o kamatayan sa miyembro ng pamilya. Pinturahan ang itaas ng pinto kung saan ito pagmumukhain mong straight.
Hindi maganda kung may tatlo o higit pang bilang ng pinto na magkakahanay sa isang bahay. Maglagay ng harang sa pagitan ng mga pinto para mapabagal ang takbo ng energy na pumapasok sa bawat silid.
Ang mga pintuang hindi nagagamit ay masama rin sa Feng Shui. Halimbawa, pinto ng bodega na hindi na binubuksan dahil hindi na ginagamit. Bedroom door ng mga anak na nasa abroad kaya’t hindi na ito nabubuksan. Ang resulta ay nakakaroon ng matinding pag-aaway sa pagitan ng magulang at anak o magkakapatid. Lagyan ng mirror ang pintong hindi ginagamit. Ilagay ang mirror sa labas ng pinto upang maging invisible ito.