May isa na namang nakakatakot na sakit na dati ng kumitil ng maraming buhay sa kontinente ng Afrika. Ito ang Ebola virus. Sa ngayon lumalaki ang bilang ng taong nahawa ng sakit na ito kabilang na ang mga medical practitioner sa lugar na apektado ng sakit na ito. Ano nga ba ang sakit na ito? Gaano ito ka delikado at ano ang pinagmulan ng sakit na ito?
Mga katotohanan ukol sa ebola virus
* Ebola virus disease (EVD), kilala sa dating pangalan na Ebola haemorrhagic fever. Ito ay isang malubha at karaniwang nagdudulot ng kamatayan sa tao.
* Ang paglaganap ng EVD ay 90% nagreresulta ng kamatayan sa mga biktimang kinakapitan nito.
* Ang EVD outbreaks ay karaniwang lumalaganap sa liblib na lugar ng Central at West Africa, na madalas ay malalapit sa tropical rainforests.
* Karaniwan ang virus na ito ay nasasalin sa mga tao galing sa mga hayop sa ilang lugar at kumakalat sa populasyon ng tao sa pamamagitan ng paghahawahan o human-to-human transmission.
* Ang Fruit bats (Pteropodidae) o paniki ay kinukonsiderang pinanggalingan ng Ebola virus.
* Ang malubhang nakapitan ng sakit na ito ay kinakailangan ng masidhing pangangalaga. Walang ispesipikong gamutan o bakuna ang makakalunas sa sakit na ito. Ito ay unang nakita noong 1976 sa dalawang magkakasabay na paglaganap sa Nzara, Sudan, at Yambuku, Democratic Republic of Congo. Kinalaunan ay sa nayon na malapit sa ilog ng Ebola, kung saan nakuha ang pangalan ng sakit na ito. (Itutuloy)