^

Para Malibang

Ebola Virus Disease (1)

BODY PAX - Pang-masa

May isa na namang nakakatakot na sakit na dati ng kumitil ng maraming buhay sa kontinente ng Afrika. Ito ang Ebola virus. Sa ngayon lumalaki ang bilang ng taong nahawa ng sakit na ito kabilang na ang mga medical practitioner sa lugar na apektado ng sakit na ito. Ano nga ba ang sakit na ito? Gaano ito ka delikado at ano ang pinagmulan ng sakit na ito?

Mga katotohanan ukol sa ebola virus

* Ebola virus disease (EVD), kilala sa dating pangalan na Ebola haemorrhagic fever.  Ito ay isang malubha at karaniwang nagdudulot ng kamatayan sa tao.

* Ang paglaganap ng EVD ay 90% nagreresulta ng kamatayan sa mga biktimang kinakapitan nito.

* Ang EVD outbreaks ay karaniwang lumalaganap sa liblib na lugar ng Central at West Africa, na  madalas ay malalapit sa tropical rainforests.

* Karaniwan ang  virus na ito ay nasasalin sa mga tao galing sa mga hayop sa ilang lugar  at  kumakalat sa populasyon ng tao sa pamamagitan ng paghahawahan o  human-to-human transmission.

* Ang Fruit bats (Pteropodidae) o paniki ay kinukonsiderang pinanggalingan ng  Ebola virus.

* Ang malubhang nakapitan  ng sakit na ito ay kinakailangan ng masidhing pangangalaga. Walang ispesipikong gamutan o bakuna ang makakalunas sa sakit na ito.  Ito ay unang nakita noong 1976 sa dalawang magkakasabay na paglaganap sa Nzara, Sudan, at Yambuku, Democratic Republic of Congo. Kinalaunan ay sa nayon na malapit sa ilog ng Ebola, kung saan nakuha ang pangalan ng sakit na ito. (Itutuloy)

vuukle comment

AFRIKA

ANG FRUIT

ANO

DEMOCRATIC REPUBLIC OF CONGO

EBOLA

GAANO

SAKIT

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with