^

Para Malibang

Pag-inum ng maraming kape panlaban sa diabetes

Ms. Jewel - Pang-masa

Good news para sa mga taong  napaparami ang pag-inom ng kape araw-araw. Ito ay matapos na madiskubre ng ilang eksperto na malaki ang naitutulong ng kape para bumaba ang posibilidad na kapitan ng sakit na diabetes.

Lumabas sa pag-aaral ng European Association for the Study of Diabetes,   ang mga taong umiinom ng kape tatlong tasa ng kape kada araw at patuloy na nadaragdagan pa ng 1.5 tasa ng kape araw araw sa loob ng apat na taon ay 11% mas mababa ang panganib na magkaroon ng diabetes 2 kumpara sa mga taong regular na umiinom lang ng kape  dalawang beses sa isang araw.

Ang pag-aaral ay batay sa pagmo-monitor ng 95,000 kababaihan  at 28,000 kalalakihan kung saan sinukat ang kape na kanilang kinukonsumo sa apat na taon. Gayunman, ilang eksperto rin ang nagbigay ng kanilang opinion na maaaring ang nasabing research ay panandalian lang ang maibibigay na benepisyo at wala pa rin konkretong ebidensiya na tala­gang ito ay nakakapagpababa ng tsansa ng pagkakaroon ng diabetes type 2.

Hindi umano makakaiwas ang sinuman sa sakit na diabetes type 2 sa pag-iwas o pag-inom ng maraming kape o tea o kahit ano pa mang inumin, bagkus makakaiwas sa sakit na ito kung magkakaroon ng tamang timbang, diet at ehersisyo.

 

ARAW

DIABETES

EUROPEAN ASSOCIATION

GAYUNMAN

KAPE

LUMABAS

STUDY OF DIABETES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with