TUUUT.TUUUT. Sumisilbato pa ang ghost train, nakasunod kay Vincent. Lalong binilisan ng binata ang pagtakbo, palapit na sa bahay.
“SA CABINET, DINDI! MAGKULONG KA SA CABINET! HUWAG KANG LALABAS!†Inulit ni Vincent ang sigaw, babala sa pinakamamahal na kaibigan.
Nakapasok na sa cabinet si Dindi, matapos buong hirap na gumapang sa sahig. Tinaningan na ng duktor ang dalagitang may sakit na wala nang lunas. Anumang oras ay maaaring mamatay na ito.
“Hindi ako pahuhuli sa tren, Kuya Vincent. Batambata pa ako, ipaglalaban ko ang aking buhay. Hu-hu-huuu.â€
Nasa loob ng saradong cabinet si Dindi. Naniniwala sila ng kanyang Kuya Vincent na ligtas siya sa cabinet na taguan ng religious items.
Naroon ang holy bible, ang sarisaring crucifix, holy water, mga istampita, mga novena booklet sa iba’t ibang santo.
Panlaban lahat iyon sa kaaway ng Diyos; para kina Vincent at Dindi ay kalaban ng Diyos ang ghost train.
“LUMAYO KA RITO! LAYOOO!†Napapaiyak nang sigaw ni Vincent sa tren. Sa mismong harapan ng bahay nina Dindi tumigil ang mahiwagang sasakyan.
Kaw-kaw-kaww! Nagtahulan ang mga aso. Kitang-kita sa gabi ang nagmumultong tren.
Nakalutang ito sa lupa, siguro’y 2 feet from the ground. Ang palibot nito ay nababalot ng manipis na usok.
Hindi na nilingon ni Vincent ang tren, tumakbo na sa loob ng bahay nina Dindi. “Dindi, I’m here na! Hold on, huwag kang sasama!â€
Walang kasama sa bahay si Dindi; madaling araw pa uuwi ang ama nitong security guard.
“Dindi? Where are you?â€
Isang mahinang tinig ang narinig ni Vincent. “Narito ako sa cabinet, Kuya Vincent…hinang-hina na ako…â€
Sabay sa pagbukas ni Vincent sa pinto ng tall cabinet, nawalan ng malay-tao si Dindi.
“Oh my God, Dindi, nooo!†Natakot si Vincent; baka matuluyan ang kaibigan. Nasa labas lang ang ghost train! (ITUTULOY)