SA ASWANG Family, ang dusa sa pagdaraan ng araw ay si Mang Sotero; kapreng bading siya samantalang normal ang katauhan nina Shalina, Greco at Aling Mameng. Ang takot na maglalaho na sila sa mundo nang sabay-sabay, anumang sandali, ay nakaumang.
Bukas ba sila buburahin ni Adwani? Baka mamaya na; baka sa makalawa? Napakahirap ng paghihintay ng kamatayan ng Aswang Family.
Pero hanggang sa dumating ang muling pagbibilog ng buwan, nanatiling hindi na naging aswang sina Shalina, Greco at Aling Mameng.
“Aaaahh!†Malakas na sigaw iyon ng kapreng bading, kusang nagkukulong sa basement para hindi manganib sa mga tao.
“Ang Itay, dali!â€
“Panginoong Diyos! Ngayon na ba tayo--?†napakalakas ng kaba ni Aling Mameng.
Pero isang normal nang matandang lalaki ang natagpuan nila; hindi na kapreng bading si Mang Sotero.
Niyakap ito nina Shalina at Aling Mameng. Si Greco ay nag-iisip na naman nang malalim—tungkol sa sitwasyon.
Umulit sa diwa niya ang sinabi ng bad fairy. “Buburahin ko sa mundo ang Aswang Family…â€
“Inay Mameng, Itay Sotero, Shalina—alam ko na ang ibig sabihin ni Adwani!†tuwang pagbabalita ni Greco. “Tama siya, binura na niya ang Aswang Family! Wala na ang pamilyang puro aswang ang miyembro! Balik na tayo sa pamilya ng mga ordinaryong mortal!â€
Nais nilang matuwa, pero ganoon nga ba? Paano kung hindi?
Sinagot naman ang agam-gam nila. Nagpakita si Adwani sa huling pagkakataon. “Malaya na kayo sa pagiging aswang! Tapos na ang parusa ko sa inyo! Huwag n’yo nang itanong kung bakit ako bumait!â€
Pop. Naglaho na ang bad fairy.
Nagyakapan sa galak ang buong pamilya; tuwang-tuwa rin sina Telco at Foxy. Wala nang mga aswang, wala nang kagilagilalas na magic.
PERO meron palang bagong problema—nang manganak na si Shalina. Malusog na sanggol na lalaki iyon.
Kamukhang-kamukha ni Iskong sintu-sinto! WAKAS (Up Next: Train of Death)