Last Part
Eksaminasyon at Pagsusuri
Ang doctor ay maaring magsagawa ng iba’t ibang simpleng pagsusuri at eksaminasyon upang malaman ang mga sanhi na dulot ng dehydration:
Vital signs
Mataas na temperatura, pagtaas ng tibok ng puso, pagbaba ng blood pressure, at mabilis na paghinga ay mga potensyal na sinyales ng dehydration at ibang mga sakit.
Ang pagkuha ng pulso at blood pressure habang ang pasyente ay nakahiga at tumayo sa loob ng isang minuto ay makakatulong madetermina ang antas ng dehydration. Kapag ang pasyente ay nahiga at tumayo, ang presyon ng dugo ay bahagyang bumababa sa loob ng ilang segundo. Ang tibok ng puso, at presyon ng dugo ay bumabalik sa normal. Gayun pa man kapag wala ng sapat na tubig sa dugo dulot ng dehydration. Ang tibok ng puso ay tumataas at nagkukulang ang suplay ng dugo sa utak. Ang tibok ng puso ay bumibilis dulot ng dehydration at mararamdaman natin ang pagkahilo at kawalan ng malay pagkatapos tumayo.