LUMAPAG ang karuwaheng lumilipad sa mismong harapan ng kapreng bading, sa munting isla sa Pacific Ocean; muntik pa itong masipa ng kabayong may pakpak.
“Bakit ka nagpaiwan dito, bakla, ano’ng drama mo?†sita ni Adwani a.k.a. bad fairy.
“Hindwi kwo kasi maatim na makikitwa kwo ang pagbura mo sa akwing pamilya, Adwani. Perwo nagbago akwo ng isip. Gusto kwo nang umuwi, sama-sama na kamwing maglaho sa mundwo. Hu-hu-hu-huuu.â€
Napailing na naman ang masamang diwata; hindi talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga tao.
Gayunma’y hindi na niya pinatagal ang isyu, isinakay na ang kapreng bading sa karuwahe. Lumipad sila sa napakalawak na karagatan.
SA HARAP ng bahay na bato sila lumapag. Tinahulan ni Foxy ang kabayo habang si Telcong binatilyo ay nangingnig sa takot.
Pagkababa ng kapreng bading, bigla nang naglaho si Adwani at ang karuwaheng may kabayo.
Hindi na pinansin iyon ng pamilya; tuwang-tuwang sinalubong nina Aling Mameng, Shalina at Greco si Mang Sotero.
Luhaang nagrereklamo ang kapre. “Bakwit akwo lang ang hindi binagwo ni Adwani? Bakwit kapre pa rwin akwo? Hu-hu-huu.â€
Tulad ni Shalina, umiiyak din si Aling Mameng. Niyakap nito ang asawa. “Ang importante, Sotero, nakabalik ka na at sama-sama tayong maglalaho sa mundo. Gaano mang kasaklap…â€
“Alam n’yo na palwa…kaya nga nagbagwo akwo ng isip, sumama agad akwo kay Adwani para makauwi ritwo…†Lalong bumalong ang luha ng kapreng bading.
Si Greco ay malalim ang iniisip. “Ano ho uli ang saktong sinabi sa inyo ng bad fairy, Inay Mameng?â€
“Tayo raw Aswang Family, buburahin na niya sa mundo…†nalalagim na sabi agad ng biyenang babae.
“Iyan din ang sabwi sa akwin ni Adwani, ayaw nang bawiin kahwit nagmakaawa akwo,†segunda ng kapreng bading.
“Kailan daw ho, Inay Mameng…?â€
“Kapag kumpleto na ang Aswang Family, Greco.†(TATAPUSIN)