LITO ang isip ni Aling Mameng nang umuwi sa bahay na bato. Hati ang damdamin. “Ano ho ang nangyari, Inay?†“Nagpakita sa akin si Adwani, Shalina…matapos kong hamunin nang patayan, sa teritoryo niya. N-natalo ako, muntik nang gawing ipis…†“Nasaan daw ho si Itay Sotero?†tanong ni Greco sa biyenan. Gumaralgal ang tinig ng matandang babae. “Nagmadyik si Adwani ng karuwahe na hila ng kabayong lumilipad. Hahanapin daw si Sotero, nagkapag-asa ako kahit konti…â€
“May masamang balita ho ba?†tanong ni Shalina.
Napaluha si Aling Mameng, tumango. “Tayong Aswang Family, kapag naibalik na ni Adwani ang tatay n’yo, buburahin na niya sa mundo…â€
Nangilabot sina Shalina at Greco.
“Buburahin ho na tayo’y mawawala na sa lupa?†pagklaro ni Shalina.
Tumangong muli ang ina. “Bilang na ang oras natin. Hindi na kayo magkakaroon ng kinabukasan…â€
Napayakap sa asawa si Shalina, luhaan. “Hindi na pala maisisilang ang nasa sinapupunan ko, Greco. Hindi pala natin makikita ang hitsura ng ating sanggol…†“Sanggol na baka si Iskong sintu-sinto pala ang ama,†sa loob-loob ni Greco, sa isip lamang.
“Akala ko pa naman…kahit nagiging aswang tayo kung kabilugan ng buwan, maisasalit natin ang pagpapalaki sa ating anak…†Nakayakap sa dibdib ni Greco si Shalina.
“Ako nga, mga anak, nangarap na kami ni Sotero ay papasyal sa probinsiya nila—sa Bikol…hindi na pala mangyayari….â€
SA DAGAT-Pasipiko nagtuloy si Adwani, lulan ng karuwaheng hila ng lumilipad na kabayong puti. Nakikita ng mga lulan ng ocean liner ang mahimalang tanawin; panay ang kuha ng larawan sa karuwaheng nasa tapat ng karagatan. “Awesome! Simply awesome!†sabi ng pasaherong foreigner.
Nagbalik sa munting isla si Adwani, malakas ang kutob na naroon ang kapreng bading. Naroon pa nga si Mang Sotero, napatili sa nakita sa himpapawid. Nakilala ang sakay ng karuwaheng lumilipad. “Naritwo akwo!†(2 LABAS)