Mga Nakakaaliw na Pamahiin

Last Part

Ang resulta nito ay pag-iinitan ka ng kapamilya sa hindi malamang dahilan. May tendency namang kagatin ka ng iyong pet.

Para masuwerte, ang amount ng pera na ilalagay sa red envelop o ang paw para ipanregalo ay even numbers or numbers ending in 8: 118, 168, 188, 888. Malas kung odd numbers: 3, 7, 9 etc. Ang pagreregalo ng pera ay ginagawa sa happy occasions: birthday binyag, kasal pero huwag iaaplay sa pag-aabuloy ng patay.

Maghihirap sa buhay ang lalaking mahilig mamboso.

Hindi raw yumayaman ang lalaking naglalaba ng panty ng kanyang asawa.

Malas para sa isang estudyante na magbasa ng kanyang libro o mag-review sa loob ng toilet. Ang resulta’y mababa o bagsak na grade.

Susuwertehin ka kapag naiputan ka sa ulo ng ibon, gayundin kapag nakatapak ka ng ebak.

Nahihirapang makakuha ng mapapangasawa ang dalagang tatlong beses o higit pa na naging bridesmaid.

Naniniwala ang mga Chinese na malas ang makabasag ng plato. Para makontra ang kamalasan, ang nakabasag ay dapat magsasalita ng positibong bagay right after na nabasag ang plato.

Huwag itutusok ang chopstick nang patayo sa kanin. Malamang na malasin ka.

Huwag ipupuwesto ang coffee/tea pot or takure sa paraang ang nguso (spout) nito ay nakaturo sa ama ng tahanan. Iiwan nito ang pamilya para bumuo ng panibagong pamilya.

Huwag itataob ang kawali o kaldero kapag hindi ginagamit o nakatabi sa cabinet. Nagsasaad ito ng kahirapan.

Kapag kumakain, huwag mong itatapat ang tusok ng kutsilyo o tinidor sa isang tao. Ang resulta’y  nagiging malapit sa aksidente ang taong tinapatan ng dulo ng kutsilyo/tinidor.

 

 

Show comments