Ang babaeng pandak ay may mabuting kalooban, mahilig sa music, mahilig sa sex at happy-go-lucky.
Kung average ang height, ginagawa niya ang lahat para mahalin ng asawa, mahusay sa gawaing bahay at balanced in sex.
Ang buhok na maitim, malambot at may natural na kulot ay nagsasaad ng pagyaman.
Bad luck kung ang buhok ay makapal, buhaghag at magaspang. Ang pinag-uusapan natin dito ay iyong natural na kondisyon ng buhok since birth.
Masuwerte rin kung ang buhok ay malambot, katamtaman ang kapal, maitim at mahaba.
Hindi maganda ang ugali ng babaeng pahaba ang ulo.
Napakasuwerte ng noong korteng half-moon, walang horizontal lines o anumang balahibong pusa.
Yayaman at mabubuhay na parang isang reyna kung may makikitang guhit sa noo na korteng swastika, triangle, square, grille sign (dalawang horizontal at pinatungan ng ilang vertical lines).
Matatantiya ang edad ng babae sa bilang ng guhit (horizontal) na makikita sa kanyang noo:
1 linya—40 plus; b) 2 linya—60 plus; c) 3 linya—70 plus; d) 4 linya—80 years; e) 5 linya—100 years Itutuloy