Last Part
5. Maglagay uli ng sunscreen matapos ang dalaÂwa hanggang tatlong oras ng pagkakabilad, mas madalas kung lumalangoy o pinapawisan ng husto.
6. Higit na sensitibo ang balat ng mga matatanda kaya 30 pataas dapat ang SPF ng gagamitin nilang sunscreen.
7. Uminom ng maraming tubig. Nakatutulong ito sa pagpapawis na nagpapalamig naman ng ating balat at buong katawan.
8. Iwasan ang magbilad sa pagitan ng alas 9 ng umaga at alas 4 ng hapon sapagkat pinakamatindi ang sikat ng araw sa mga oras na ito.
9. Bantayan ang mga bata sapagkat sensitibo ang kanilang balat sa sinag ng araw. Maaga silang turuan ng tamang pangangalaga sa kanilang balat tulad ng paggamit ng sombrero at sunscreen.