Panaginip: Naghihirap ako sa panaginip at desperadong magkaroon ng pera. Pumasok ako sa display window ng isang boutique. Hinubaran ko ang manikin para kunin ang kanyang damit. May napansin akong barya na nakakalat sa sahig. Pinulot ko iyon isa-isa. May batang babae na nakatingin sa akin. Iniabot ko sa kanya ang baryang aking napulot pati ang damit ng manikin na aking kinuha.---Bessie
Interpretation: Bago mo mapanaginipan ito, may isang pangyayari ba na nagbigay ka ng tulong sa isang bata o kaya ay nagkawanggawa ka?Kung minsan, ang napapanaginipan mo ay may koneksiyon sa nangyari sa iyo ng nagdaang araw. Ang isang interpretation diyan ay naghahanap ka ng panibagong pagkakakitaan dahil may mga batang nakadepende sa iyo—mga anak o mga kamag-anak.