Buhay ng penis

Aminin natin, ang mga lalaki ay napaka-concious sa kanilang mga ‘kargada.’

Alagang-alaga nila ito kaya napapansin nila ang lahat ng pagbabago.

Alam naman natin na kapag nagkakaedad na ang mga lalaki, bumababa na ang kanilang sexual functions.

Bumamaba na ang level ng testosterone, medyo mahirap nang ma-arouse, matagal ma-achieve ang erection, matagal ma-achieve ang orgasm, nahihirapang mag-maintain ng erection at kung anu-ano pa.

Kumukonti rin ang semen at bumababa ang quality ng sperm.

Prone na ang mga may edad na lalaki sa erectile dysfunction, impotence at iba pa.

Nagkakaproble­ma na rin sa pag-ihi dahil sa humihinang pantog o bladder muscles at marami ang nagkakaroon ng prostate enlargement.

Bukod pa rito, base sa mga isinagawang research, nakumpirma ang kinatatakutan ng mga lalaki na nagbabago ang penis kapag tumatanda na. Nagbabago ang itsura at ang size ng penis, kasabay ng pagbabago ng kanilang sexual performance.

Nararanasan ang pagbabago pagtuntong ng 30 gulang pataas hanggang sa middle age edad 50s.

Tatalakayin natin sa susunod na artikulo ang nangyayaring pagbabago sa penis.

(ITUTULOY)

 

Show comments