Maraming kasaysayan ng matagumpay na kaso, ngunit ang hi-tek, artipisyal na fertilization ay hindi syento porsyentong matagumpay. Maaring napakahirap sa emosyunal na aspeto at may kamahalan ang ganitong paraan. Sumangguni sa isang espesyalista para sa mga kaalaman at mga option tungkol sa isyu ng paralysis.
Ang tanging mga mag-asawa na hindi magkaanak ay matagumpay na nakagamit ng semilya na galing sa deposito ng semilya. Ang iba pang magka-pareha ay maaari ring mag-ampon ng batang ulila.
Pagtatalik matapos atakihin sa puso: Matapos ang atake sa puso o operasyon ay hindi nangangahulugan na titigil na sa pagkikipagtalik. Matapos ang unang serye ng pagpapagaling, natutuklasan na ang pagtatalik ay lubos nakapagdudulot pa rin ng matinding kasiyahan. Hindi totoo na ang pagtatalik pagkaraan ng panahon ng pagpapagaling ay nauuwi sa atake sa puso, o biglang kamatayan.
Meron pa rin pagkabalisa na hindi sila makakabigay-kasiyahan sa kanilang kapareha ang nagsisilbing balakid sa panumbalik ng interes at kapasidad sa sex. Pagkatapos gumaling, ang biktima ng atake ay maaaÂring makaramdam ng panlulumo. Karaniwan lang ito, sa tinatayang 85 porsyento ng mga kaso, ang panlulumo ay hanggang 3 buwan.