Makakatulong ang mga sumusunod na feng shui tips para maiwasan ang stress sa trabaho:
Tanggalin ang mga sira o hindi na ginagamit na office equipments dahil nagbibigay lang ito ng negative energy sa mga empleyadong gumagamit ng kuwartong kinalalagyan nito. Ang epekto ng mga sirang gamit ay nag-iisip mag-resign ng empleyado; nawawalan sila ng focus; tinatamad silang magtrabaho kaya madalas mag-absent.
Mas matindi ang stress na nadarama ng empleyadong ang puwesto ay nakatalikod sa entrance ng opisina. Pumili ng puwesto kung saan nakikita mo ang pumapasok at lumalabas sa pintuan.
Laging maglagay sa bulsa o bag ng white jade, bukod sa nagbibigay ito ng suwerte, ito rin ay healing stone. Gumamit ng kuwintas, bracelet o singsing na lapis lazuli. Nakakatulong ito para mabawasan ang stress na nadarama. Kung ang trabaho mo’y kamay ang pangunahing ginagamit kagaya ng typist, writer, etc., mainam na magsuot ng bracelet o singsing na yari sa hematite or lapis lazuli.
Magdispley ng brass figurine ng kabayo at unggoy sa iyong table sa opisina at sa side tables ng iyong bed. Para balance, ipuwesto ang dalawa sa magkabilang sides ng working o magkabilang sides ng bed. Puwede rin ang larawan ng dalawang nabanggit na hayop kung walang makitang brass figurine. Ang kabayo ay simbolo ng lakas samantalang ang unggoy ay proteksiyon sa kalusugan.