Dear Vanezza,
Sa nakalipas na ilang taon, wala akong itinuon na atensiyon sa pag-ibig kundi puro sa trabaho. Kasi nasaktan lang ako noon. Kaya naman ngayon at the age of 27, single pa rin ako. Nagbago ang lahat sa buhay ko nang makilala ko ang kaibigan ng isang customer namin. Pero ang masakit, kung kailan binuksan kong muli ang aking puso ay saka siya umalis. At walang katiyakan kung kailan siya babalik o makakabalik pa ba siya. Hindi po ako makapag-move on dahil lagi siyang nasa isip ko. May mga nagpaparamdam po na manliligaw pero inaayawan ko dahil umaasa ako na babalikan pa rin ako ng bf ko. Gusto ko siyang makatuluyan habang buhay. Posible kayang balikan niya ako? - Mitchie
Dear Mitchie,
Mahirap umasa sa wala. Hindi mo tiyak kung babalik nga siya o hindi at kailan? Sa pag-ibig, laging mayroong mga sagabal lalo na’t magkalayo kayo sa isa’t isa. Unfair para sa iyo na maghintay kung wala namang hinihintay. Subukan mo ring mag-entertain ng ibang manliligaw. Dapat maging praktikal ka at gamitin mo rin ang isip.
Sumasaiyo,
Vanezza