Alam n’yo ba na ang Candlenut Tree ay orihinal na nagmula sa Malaysia at Polynesia at miyembro ng Poinsettia family? Nagtataglay ito ng mataas na langis sa mga buto nito at ginagawang kandila sa mga bansang Malaysia at Indonesia. Kilala rin ang Candle nuts bilang Kukui candleberry sa Hawaii, Kemiri nut sa Indonesia at Varnish tree. Ginagamit din ito bilang pampalapot sa curries at may hawig ang lasa nito sa macadamia nuts. Idineklara naman ang Candle Tree bilang pang-estadong puno sa Hawaii noong 1959.