Ang pakikipag talik ay mabigat na isipin ng kalalakihan na nagdudusa sa sakit na erectile dysfunction (ED). Ang lalaki ay nag-iisip kung maaari pang makipag talik o kung tanging ala-ala na lang ng nakalipas. Nag-aalala sila kung maaari pa sila magkaanak, si misis ay wala na rin gana, ang kapareha ay mag-aalsa-balutan na lang. Totoo na ang mga relasyon ng isang paralisado ay nag-iiba matapos mag-kasakit o maaksidente, at ganoon din ang sekswal na buhay. Nagbabago ang nadaramang emosyon at apektado rin ang sekswalidad ng tao.
Mahalaga at tamang sekwalidad ang siyang nagdudulot ng pag-aalab ng puso, paghahaplos at pag-iibigan, di lang pagtatalik.
Sa simula, paninigas ng ari (erection) at orgasm pa rin ang pinakamasalimuot na isyu ng taong sakop ng pagkaparalisa.
Sa karaniwan, ang lalaki ay maaaring magkaroon ng dalawang tipo ng paninigas. Psychogenic ereksiyon ay ang unang klase na nagaganap sa isipan at paggamit ng damdamin at paningin ay komporme sa libel ng pagkaparalisa.
Ang lalaking hindi makagalaw ng buong katawan ay hindi nakararanas ng psychogenic. Ang tinaguriang kusang ereksiyon ay nagaganap kapag ang ari (tainga, suso, leeg) ay napapadaplis o nadikit sa anumang bagay. Ang karamihan ay nakakaramdam ng paninigas maliban na lang kung ang nerves sa gulugod ay hindi na gumagana. (Itutuloy)