^

Para Malibang

Kapag ikaw ay natutulog

Ms. Jewel - Pang-masa

Paano ka ba matulog? Minsan, ang posisyon mo sa pagtulog ay posible din makaapekto sa relasyon ninyong mag-asawa. Mayroon kasing posisyon sa pagtulog na hindi komportable ang iyong katabi at maaaring nagdudulot din ito ng iyong paghilik. Narito ang ilang posisyon sa pagtulog at ang repleksiyon nito sa iyong pagkatao:

‘Spooners’ o posisyong nakayakap – Ang ganitong uri ng posisyon sa pagtulog ay nagpapahayag na nais proteksiyunan ng lalaki ang kanyang partner habang ang babaeng nais naman palaging magpayakap kapag natutulog ay gustong makaramdam ng pagmamahal at seguridad na siya ay ligtas.

‘Footsie’ o paglalaro ng paa bilang pampatulog – Marami talagang uri ng paglalambing, isa rito ay ang paglalaro ng paa bago matulog. Ang ganitong uri ng posisyon bago matulog ay nagpapahayag naman na mayroong iisang emosyon o pagmamahalan ang mag-asawa/mag-partner at nagpapakita rin ito ng kumpiyansa sa bawat isa.

‘Bottom buddies’ o natutulog ng nakabaluktot -  Ang taong ganitong posisyon sa pagtulog ay nagpapakita lang na masyado siyang close sa kanyang partner. Hindi kasi madali at hindi rin magandang tingnan ang ganitong posisyon, ngunit dahil sa nararamdaman mong mahal ka ng iyong partner ay hindi ka na mahihiyang makita ka niya sa ganitong posisyon ng iyong pagtulog.

‘Intertwined’ o natutulog na ginagawa mong unan ang iyong partner – Karaniwan itong posisyon ng mga bagong mag-asawa. Natutulog minsan ang isa sa kanila na nakaunan sa tiyan o sa hita. Nagpapakita ito na ini-enjoy lang nila ang sariwang pagmamahalan ng isa’t isa.

vuukle comment

IYONG

KARANIWAN

MARAMI

MAYROON

MINSAN

NAGPAPAKITA

NARITO

POSISYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with