Weird na kuko

Panaginip: Nagpa-manicure ako pero habang nilalagyan ng nail polish ay bumaluktot down­ward ang mga kuko.---Dream catcher

Interpretation: Marami ang ibig sabihin ng panaginip tungkol sa kuko. Kung ginugupit mo ito, may gagawin kang tulong sa iyong community. Pero kung masyadong napudpod ang pagkakaputol at nakadama ka ng bahagyang sakit, mapapasangkot ka sa isang gulo. Kung halimbawa ay bumaluktot ang iyong kuko habang nagpapamanicure, may kamag-anak kang makakaaway at pagtsitsismisan ka dahil sa hindi mo magandang ikinikilos o gawi.

Show comments