‘Hyperthyroidism’ (5)

Last Part

Ito ang ilan sa gabay sa tamang pag-iingat:

Limitahan ang paglapit sa mga sanggol, mga bata o nagdadalang taon.

Puwede ring i-aplay itong mga pag-iingat na ito sa mga alaga nating mga hayop upang hindi sila ma-expose sa radio activity.

Kapag ikaw ay may mga anak na bata, o ang trabaho ay may kinalaman sa mga bata marapat na sumangguni muna sa mga specialista bago sumalang sa ganitong gamutan.

Panatilihing dumistansya ng mga isang yarda sa ibang tao.

Matulog ng mag-isa.

Iwasang manood muna ng sine, tiyatro, o magtungo sa mga pubs at restaurants na maaaring maka-close contact sa ibang tao.

Huwag munang pumasok sa trabaho na may kinalaman sa pakikisalamuha sa ibang tao.

Operasyon

Isang paraan na kung saan ay tinatanggal ang bahagi ng thyroid gland. Ito ay isang mahusay na paraan kapag may malaking bukol sa thyroid (goiter) na nagdudulot ng problema sa leeg. Kapag sobrang dami ng tinanggal na laman sa thyroid  ay pinapainom ng thyroxine tablets para panatilihin ang normal na lebel ng thyroxine. Ito ay ligtas na pamamaraan ng operasyon.

Gamutan para sa problema sa mata

Kailangang kumunsulta sa spesyalista sa mata upang malaman ang komplikasyon na nakuha sa Graves’ disease. Karaniwan ang sintomas sa mata ng Graves’ disease ay kalahati lang ng pasyente ang apektado nito. Mga hakbang upang makatulong sa mata katulad ng artipisyal na luha, sunglasses at eye protectors habang natutulog.

Sa katunayan, 1 sa 20 tao na may Graves’ disease ay mayroong malubhang epekto sa mata. Ang gamutan ay maaaring mas mahirap at kailanganin ng operasyon, radiation treatment at steroid tablets.

Kapag naninigarilyo kailangan piliting huminto. Ang paninigarilyo ay nakakadagdag ng paglala ng problema sa mata.

 

Show comments