Gaano ka Kasuwerte sa Pera?
Birth date: 1, 10, 19, 28
Nakakamit ang financial stability pagsapit sa ika-37th year pataas. At umasenso sila dahil sa kanilang talino. Kaya lang, habang umaasenso ang buhay ay nagkakaroon naman siya ng maraming kaaway. Minsan kasi ay yumayabang. Alisin ang yabang para walang kaaway.
Birth date: 2, 11, 20,29
Kadalasan ay may katamaran ang mga taong dos. Hindi nila type ang trabahong nangangailangan ng lakas ng katawan. Magulo ang isip nila pagdating sa trabaho. Kung masipag, nakakamit nila ang tagumpay pagkaraan ng 38th year. May pag-asang yumaman sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap o makakapag-asawa ng mayaman.
Birth date: 3, 12, 21, 30
Sila ang masuwerte sa financial matters. Napakaamo ng suwerte sa kanila kaya magsipag lang ay madali nilang makakamtan ang kaginhawahan sa buhay. Kung ipinanganak na mahirap, bata pa ay naiiahon na nila ang sarili sa kahirapan. Masuwerte sila sa negosyo pero malas magpautang.
Birth date : 4, 13, 22, 31
Nagsisimula ang pag-asenso ng buhay sa edad na 40. Biglaan at hindi inaasahan ang pagbulusok paitaas ng kabuhayan. Kung magnenegosyo, mas masuwerte kung magsosolo. Malas magkaroon ng kasosyo.
Itutuloy
- Latest