Anu-ano ang Sanhi ng hyperthyroidism?
Graves’ disease
Ito ay pangkaraniwang sanhi ng hyperthyroiÂdism. Maaaring magkaroon nito lahat, pero karaniwan ito sa mga kababaihan na edad 20 hanggang 50 years. Ito ay maaaring makaapekto sa lahat lalo na kung mayroong family history sa sakit na ito. May ilang miyembro ng pamilya na mayroong autoimmune diseases (katulad ng diabetes, rheumatoid arthritis at myasthenia gravis).

Ang Graves’ disease ay isa ring autoimmune disease. Ang immune system ang karaniwang lumalaban sa mga bacteria, viruses at ibang germs. Sa autoimmune diseases, ang immune system ang karaniwang antibodies ay umaatake sa tissues ng katawan natin. Kapag tayo ay may Graves’ disease, ang antibodies natin umaatake sa thyroid gland. Ito ay nakapag-stimulate sa thyroid ng maraming thyroxine.
Sa Graves’ disease ang thyroid gland ay lumaÂlaki na nagiging dahilan ng pamamaga ng leeg o tinatawag na goiter. Ang mga mata ay apektado rin nito. Sa ganitong sitwasyon, maaaring lumuwa ang mga mata (proptosis). Ang problem sa eye muscles ay maaaring magresulta ng pagkaduling. Walang maliwanag na dahilan kung bakit ang ganitong problema sa mata ay naging sintomas ng Graves’ disease. Ano ang iba’t ibang gamutan para sa hyperthyroidism? (Itutuloy)