Pirma ni Tiger Woods

Analysis: Ang tunay niyang pangalan ay Eldrick Tont Woods.

1--Unang mapapansin ay hindi maintindihan o hindi mabasa ang  kanyang pirma. Ang ibig sabihin nito ay matindi ang paghahangad niya na maitago ang kanyang pribadong buhay sa mata ng publiko.

2--Ang mataas na T sa Tiger at mataas na tangkay ng D sa Woods ay nagpapakita na may mataas siyang ambisyon sa buhay.

3--Ang paraan niya ng pagsusulat ng G sa Tiger ay nagpapakita ng hilig niya sa sex at paghahangad na kumita ng maraming pera.

4--Ang balance at matuwid na buntot ng S sa Woods ay  nagpapakita ng kanyang disiplina at self-control bilang atleta.

5--Ang W sa Woods na parang may tangkay na buma­ling pakaliwa ay nagsasaad na nakokonsensiya siya ng mga mali niyang ginawa.               

 

Show comments