Maging maganda kahit puyat...

Isa sa sekreto upang ikaw ay magkaroon ng magandang aura ay ang pagkakaroon ng malinis na mukha. Malinis na ang ibig sabihin ay hindi nangingintab sa “oil”. Kapag oily ang mukha nagiging madumi  ang itsura ng iyong mukha kahit pa ikaw ay bagong paligo o hilamos. Kapag oily ang iyong mukha may posibilidad na magkaroon ka ng maraming taghiyawat, lumaki ang iyong mga pores o ‘yun maliliit na butas sa iyong mukha at higit sa lahat mabilis malusaw ang iyong make-up kapag ikaw ay oily face. Paano nga ba magiging “oil free” ang iyong mukha? Narito ang ilang paraan:

Maghilamos – Kung sa tingin mo ay palaging nagmamantika ang iyong mukha, dapat kang maghilamos ng dalawang beses sa isang araw gamit ang isang mahusay na facial wash. Ngunit kung mas higit pa sa dalawang beses ang iyong paghihilamos, mas magdadala lang ito ng panganib sa iyong mukha. Kung ikaw naman ay naka-make-up, gumamit muna ng make-up remover at saka magsabon ng facial wash gamit ang maligamgam na tubig at magbanlaw naman ng malamig na tubig o ‘yun tubig na galing lang sa gripo.

Gumamit ng “moisturizer” – Kung sa tingin mo ay nada-“dry” ang iyong mukha pagkatapos mong maghilamos, mas mabuting gumamit ng moisturizer, pero, kung “oily face” ka na, maaari ka pa rin naman gumamit ng moisturizer, ngunit dapat piliin ang “oil-free” version nito. Tingnan din kung may naka-label dito na “noncomedogenic” at mas mahusay kung ito ay mayroon pang sun protection o SPF.

Clay mask – Mahusay na pantanggal ng excess oil ang clay mask, gumamit nito isang beses isang linggo. Hindi dapat maging madalas ang paggamit ng clay mask, dahil magreresulta lang ito para mas lalong maging oily ang iyong mukha.

Show comments