‘Hyperthyroidism’ (2)
Anu-ano ang sintomas ng hyperthyroidism?
Ang mga sumusunod na sintomas ng hyperthyroidism:
• Balisa, kinakabahan, emosyunal, iritable, hirap makatulog.
• Pangangatog ng mga kamay.
• Pagbaba ng timbang kahit maganang kumain.
• Mabilis na pintig.
• Pamamawis, nahihirapan sa init at laging uhaw.
• Diarrhea at laging nadudumi.
• Nahihirapan sa paghinga.
• Problema sa balat katulad ng pagnipis ng buhok at pangangati.
• Pagbabago sa buwanang dalaw.
• Pamamaga ng ating thyroid gland (goitre) sa leeg.
• Sobrang pagkapagod at panghihina ng muscles.
• Problema sa mata kapag mayroong Graves’ disease.
Karamihan sa mga taong mayroong hyperthyroidism ay hindi lahat ng sintomas sintomas ay lumalabas pero karaniwan na isa hanggang tatlong sintomas ang lumalabas. Ang sintomas ay maaaring ma-develop ng mabagal sa loob ng ilang linggo. Lahat ng sintomas ay nagmumula sa ibang problema sa katawan kaya hindi madaling ma-detect agad sa simula. Maaaring mahina sa simula at maaaring maging malala kapag ang lebel ng thyroxine sa dugo ay tumaas.
- Latest