^

Para Malibang

Natatakot gumamit ng ‘contraceptives’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mula nang magkasakit ako ay sa bahay na lang ako. Ang asawa ko naman ay isang karpintero. Salamat na lang at hindi siya nababakantehan ng trabaho. Ang problema ko po, hindi ko na nais na magdagdag pa ng anak. Lahat sila’y nasa elementary at nangangarap naman kaming kahit isa o dalawa sa mga ito ay makatapos ng kolehiyo para naman umangat ng konti ang aming buhay. Nagkasundo kami ng aking asawa sa desisyong ito. Pero sa pagsisikap naming hindi manggigil sa isa’t isa, hindi na kami magkatabing matulog. Pero hindi naman laging puwede ito sa mister ko. Ayaw ko namang maghanap ng aliw ang asawa ko sa ibang babae. May hitsura pa naman siya. Hindi po ba makasasama kung gumamit kami ng contraceptives? - Cita

Dear Cita,

Ang desisyon kung ilan dapat ang maging anak ninyo ay nasa inyong mag-asawa dahil nasa inyo rin ang responsibilidad sa pagtataguyod sa mga ito. Isa nga sa pamamaraan ng pag-iwas ng pagbubuntis ay hindi pagsisiping. Pero may mga paraan na, na makakatulong para hindi magbuntis kaya hindi kailangan na hindi kayo magtabi. Magtanong kayo sa pinakamalapit na health center para magabayan kayo tungkol dito. Alamin ninyo kung ano ang tutugma sa inyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAMIN

AYAW

CITA

DEAR CITA

DEAR VANEZZA

ISA

LAHAT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with