Base sa artikulong lumabas sa Daily Mail na isang pahayagan sa United Kingdom, gumawa ng pag-aaral ang American researchers kung ano ang nangyayari sa utak ng mga babae habang nag-o-orgasm. Gumamit ang mga scientists mula sa Rutgers University, New Jersey, ng scanners para i-monitor ang utak ng mga babae kapag nag-o-orgsm at nakitang ang iba’t ibang bahagi ng brain ay naa-activate kapag naa-arouse.
Natuklasan na may 30 iba’t ibang bahagi ng brain ang naa-activate kabilang ang bahaging na may kinalaman sa emotion, touch, joy, satisfaction at memory. Nakita ng mga scientists na 2-minutes bago ang orgasm, ang reward centres sa utak ay nagiging active. Ito ang mga areas na naa-activate kapag kumakain o umiinom. Sa mga sandaling bago mag-peak o bago mag-orgasm, ang ibang area ng brain ay naaapekÂtuhan gaya ng sensory cortex na tumatanggap ng ‘touch’ messages mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang huling bahagi ng brain na naa-activate ay ang hypothalamus, ang ‘control’ part na nagre-regulate ng temperature, gutom, uhaw at pagod na nararamdaman. Nadiskubre rin ng mga scientist na ang sexual arousal ay nagpapamanhid ng female nervous system sa puntong hindi nakakaramdam ng sakit ang mga babae kungdi puro pleasure lang ang kanilang nararamdaman.
(ITUTULOY)