Hindi makakapasok ang negative vibrations sa ating katawan kapag nagsuot ng gemstone dahil napuno na ito ng positive vibration mula sa bato. Narito ang guidelines sa pagsusuot ng gemstones:
Ang Red Coral ay kailangang nasa copper ring. Ang Yellow Sapphire ay dapat nasa gold ring. Isusuot ang mga ito sa ring finger or index finger.
Mainam na ilagay ang Ruby sa gold ring, isuot sa ring finger.
Mas kabagay ng Moonstone at White Pearl ang silver ring. Ang Emerald naman ay sa gold ring. Nababagay isusuot ang mga nabanggit sa hinliliit.
Ang Blue Sapphire at Lapis Lazuli ay dapat naka-set sa iron or silver ring, tapos isusuot sa middle finger.
Ang Cat’s eye at Hessonite mas mainam na nasa silver ring at isusuot sa hinliliit.
Hindi puwedeng pagsama-samahin ang lahat ng klase ng gem sa isang ring. Isang gem, isang ring.
Ang gems ay isinusuot lang sa daliri ng kanang kamay.