10 Sinaunang Pamahiin

1--Kung nagkita kayong magkaibigan habang naglalakad sa tulay, iwasang magsabihan ng goodbye bago maghiwalay upang sigurado ulit kayong magkikita.

2--Kung nangangati ang kanang palad, ang ibig sabihin ay may darating na pera, ngunit kung kakamutin mo ito, hindi matutuloy ang pagdating pera.

3--Kung ang nangangati ang kaliwang palad, may pagkakagastusan ka. Kung mangati, kamutin ito para hindi matuloy ang paggasta.

4--Kung aksidenteng nahulog ang ginagamit na gunting, nagtataksil ang iyong asawa/partner.

5--Bad luck ang makakamtan sa maghapon kung magpapatong ng sapatos sa mesa.

6--Ang bagong kasal na misis ay magtahi/magdikit ng swan’s feather sa unan ni Mister upang maging tapat siya palagi.

7--Hindi sinusuwerte ang bahay na ang front door ay hindi nakaharap sa kalye.

8--Kapag kumakain ng isang buong isda, umpi­sahang kainin ay bahagi ng bundot patungo sa ulo upang maging pasulong ang takbo ng iyong buhay.

9--Isa pang tip kapag kumakain ng isang buong isda. Para laging suwertehin: Halimbawa at ubos na ang laman ng nasa ibabaw, huwag mo itong babaliktarin. Tanggalin ang malaking tinik, saka kainin ang natitirang laman.

10--Bago matulog ay usalin ang mga sumusunod upang layuan ka ng evil spirit at manatiling maganda ang kalusugan: Matthew, Mark, Luke and John, Bless the bed that I lie on.

Show comments