ALAM N’YO BA?

Alam n’yo  ba na noong unang panahon, idineklara ng Queen of Sheba ang pistachio bilang pagkain lang ng mga royal blood o maharlika. Sa kanyang kautusan ay pinagbawalan niya ang mga karaniwang tao na magtanim nito para sa kanilang pagkain. Maging ang hari ng Babylon na si King Nebuchadnezzar ay nagtanim ng pistachio sa kanyang hanging garden. Ang bansang Iran ang nangungunang bansa na nagpo-produce ng pistachio ikalawa lang dito ang Amerika. Kasama ang pistachio sa mga uri ng nuts na nabanggit sa Biblia. Ang pistachio ice cream ay inimbento ni James W. Parkinson noong 1840. Ang Moghul Emperor na si Akbar the Great ay nagpakain ng pistachio sa loob ng 6-8  linggo sa mga manok na ihahanda niya sa kanyang pagdiriwang para sumarap ang karne ng mga ito.

Show comments