Malunggay

Dito sa ating bansa ang malunggay ay ginagamit na panglahok sa iba’t ibang klaseng ulam ngunit ano nga ba ang banepisyo nito sa ating kalusugan na hindi natin nalalaman? Paano at ano ang maitutulong nito sa ating kalusugan. Naririto ang ilan sa benepisyo  ng malunggay na maaaring magamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay:

1. Inilalahok ito sa mga samu’t saring pagkain katulad ng tinola, gatang manok at marami pa.

2. Mainam na panlaban sa malnutrisyon dahil taglay ito ng bitamina A, B, at C, mayroon din itong calcium na kailangan ng ating buto upang tumibay ang iron na tumutulong sa red blood cells na magdala ng oxygen at protina na tumutulong sa ating dugo na magdala ng sapat na oxygen sa ating katawan.

3. Anti-infections, antibacterial, antifungal dahil sa taglay nitong “pterygospermin” na kilala bilang antimicrobial, antibacterial, antifungal properties.

4. Mabisa rin ito panlaban sa cancer dahil mayroon itong isothiocyanate na ayon sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa ang chemical compound na ito ay isang anticancer at may kapasidad maging chemoprotective. Ang chemoprotective ay isang aspeto na kung saan tumutulong sa may cancer na mapalakas ang cells na sumasailaim sa chemotheraphy.

5. Mahusay din ito bilang anti-inflamatory. Makakahupa ito ng pamamaga sa rheumatism, arthritis at joint pains.

Show comments