Hindi type ang nanliligaw

Dear Vanezza,

Ako po si Eden, 19 years old at college student. Totoo po ba ang kasabihan na kung sino ang ayaw mo ay siyang lumalapit at kung sino ang gusto ay lumalayo? Marami kasing nanliligaw sa akin na ayaw ko at minsang nagkagusto ako ay ayaw naman sa akin. Minsan niyaya niya akong magsimba. Pumayag ako pero nagmukha akong tanga sa kahihintay sa kanya. Simula noon ay hindi na kami nagpansinan. Alam ko kung bakit siya ganoon. Nahihiya siya kasi hindi na po siya nakapagpatuloy sa college. Pinipilit kong kalimutan siya. Minsan kapag nagkikita kami ay iniiwasan ko na lang siya kahit magkapitbahay kami.

Dear Eden,

May stage sa buhay ng kabataang babae na dumarating ang sitwasyong tulad ng dinaranas mo. Madalas kung sino ang crush mo ay siyang hindi pumapansin sa iyo habang iyong wala kang feelings ay siyang panay ang diskarte sa’yo. Huwag kang maging suplada sa iba mong manliligaw sa halip, try to be friends to them dahil kung minsan ang friendship ay nagiging daan para lalo mong makita ang inner qualities ng isang tao. Later on, mare-realize mo na ang isang suitor na wala kang gusto at the start ay karapat-dapat palang mahalin. Tungkol sa lalaking gustung-gusto mo, maaring nahihiya nga siya sa’yo dahil hindi siya nag-aaral sa ngayon. But then, ang importante ay kung tunay na pag-ibig ang nadarama ninyo sa isa’t isa.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments