Kapag ikaw ay nagdadasal...(1)
Napakaraming pamamaraan kung paano maaalis ang iyong stress. Nariyan ang pag-eehersisyo, pagda-diet, pagsa-shopping at kung anu-ano pa, para lang magkaroon ng maayos na kalusugan dahil nailalabas mo ang iyong stress sa katawan. Pero, kung ikaw ay isang madasaling tao at nanalangin araw-araw, pagkagising mo sa umaga, hindi nasasayang ang ginagawa mong ito dahil may benepisyo ang pagdadasal sa iyong pisikal at ispirituwal na katawan. Sa pag-aaral na isinagawa ni Lisa Miller, propesor at director ng Clinical Psychology at director din ng Spirituality Mind Body Institute sa Teachers College, Columbia University, lumalabas na karamihan sa mga nagkakaroon ng depresyon ay may kaugnayan sa kanilang family history. Nang tingnan din ang MRI ng ilang pasyente nila, lumabas na ang mga taong regular na nagdadasal ay mayroong makapal na cortices kumapara sa mga taong hindi nagpapahalaga sa pananalaÂngin. Kapag mayroong makapal na cortices, mas maliit ang tsansa nito na magkaroon ng depresyon kumpara sa mga may mga maninipis na cortices. Dahil dito, napatunayan na may benepisyo sa pisikal na katawan kung ikaw ay palaging nagdadasal. Narito pa ang ilang benepisyo na naidudulot ng panalangin:
Stress Free – Gaya ng unang nabanggit, nakakaalis ito ng stress dahil naiimpluwensiyahan ng pananalangin ang iyong isip, kaya naman nare-relax ito. Dahil dito, susunod na rin ma-relax ang iba pang bahagi ng iyong katawan, lalo na ang iyong puso. (Itutuloy)
- Latest