Tiyaking malinis ang iyong bahay mula sa mumo ng pagkaing nahuhulog sa lamesa. Hindi maselan ang mga insektong ito sa pagkain kaya naman sa oras na may maamoy silang pagkain na nasa sahig o kung saang sulok ng bahay, tiyak na lalapitan nila ang mga ito at presto! May ipis ng naka-display sa bahay mo. Kung kakain dapat ay nasa lamesa lang at iwasang magdala ng mga pagkain, lalo na ng chichiria sa sofa at kuwarto. Palagi rin maglampaso at magwalis ng sahig at i-vacuum ang mga kutson ng sofa at kama sa kuwarto para matiyak na walang mumo ng pagkain dito na maaaring puntahan ng mga insekto, partikular na ng ipis.
Iwasan ang pag-iimbak ng mga karton na pinaglamanan ng mga pagkain. Kung maaari mong i-recycle ang mga ito, mas mabuti dahil nakapag-recycle ka. Ang mga karton kasi na pinaglagyan ng pagkain ay mabilis maamoy ng mga ipis. Kung hindi mo na
Kumpunihin ang mga sirang bahagi ng bahay. Kaya minsan mahirap na maging “cockroach free†ang isang bahay ay dahil sa mga sira at butas na bintana, pinto o mga crack sa sahig. Dahil maliit lang ang ipis, kaya nilang lumusot sa mga ito papasok sa inyong bahay. Kaya para maging selyado ang inyong bahay kumpunihin ang mga butas dito.