Lumabas kamaÂkailan sa ilang pahayagan at telebisyon ukol sa sakit na ketong o leprosy at nagdulot ng pangamba sa ilan naÂting kababayan. Pero bago tayo mangamba ano nga ba itong ketong? Saan at paano ba ito nakukuha? At kung mayroon mang ganitong sakit paano ba malulunasan ito. Ang leprosy o ketong, na tinatawag ding Hansen’s disease, ay isang nakahahawang sakit kung saan nagkakaroon ng mga disfiguÂring skin lesions, peripheÂral nerve damage, at progressive debilitation ang pasyente sanhi ng mikrobyong “mycobacterium leprae†na nakukuha sa paglanghap ng hanging may mikrobyo sanhi ng pag-ubo o pagbahing ng taong may ketong na hindi pa nagagamot. Kilala rin ito noon pang biblical times na isang sakit sa balat na kinatatakutan, pinandidirihan dahil pinaniniwalaang lubhang nakakahawa at hindi nagagamot. Subalit, sa ngayon, ayon sa eksperto, hindi madaling kumapit sa isang tao ang sakit na ito lalo na kapag ang isang pasyente ay maagang nagpagamot at masusing uminom ng Multiple Drug Therapy (MDT). Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng leprosy ay skin lesions na maputla kaysa normal na balat at hindi naghihilom sa loob ng maraming buwan; pamamanhid ng mga kamay, braso, talampakan at binti, at panghihina ng kalamnan. Unang naaapektuhan nito ang balat, ang peripheral nervous system at mucous membranes. (Itutuloy)