Panahon na naman ng tag-init masarap magbakasyon sa magagandang beach sa ating bansa. Sa pagbabakasyon natin at pagpapa-araw ay ano nga ba ang kaakibat na panganib nito sa ating katawan lalo na sa ating mata? Malimit nating protektahan ang ating balat sa pamamagitan ng sunscreen pero paano naman natin poprotektahan ang ating mata? Marami sa atin ay alam kung gaano kapanganib ang ultraviolet (UV) rays sa ating balat ngunit mangilan-ngilan lang ang nakakaalam ng panganib sa mata dulot ng ultraviolet rays. Ang UV radiation na galing sa sinag ng araw o artipisyal na UV rays ay maaaring makapinsala sa tisue ng mata, cornea at lens nito. Maaari ring mapinsala ng UV ang unahang bahagi ng mata katulad ng sunburn.
Ano ang UV Radiation?
Ito ay binubuo ng hindi nakikitang sinag na nanggagaling sa araw. May tatlong klase ng UV radiation katulad: UVA, UVB at UVC. Ang UVC rays ay hindi mapanganib dahil sa ito ay ina-absorbed ng ozone layer ngunit ang exposure sa UVA at UVB rays maaaring magdulot ng pinsala sa mata at paningin. Ang maikli at mahabang exposure sa mga mapanganib na sinag na ito ay maaaring magdulot ng malalang epekto. Isa ring pinagmumulan ng UV radiation ay ang artipisyal na pamamaraan katulad ng important to note machines, tanning beds at lasers.
Panandaliang Epekto ng UV Radiation
Kapag ikaw ay na-exposed, walang proteksyon, sa mataas na lebel ng UV radiation sa maiksing panahon lamang ikaw ay makakaranas ng epekto na tinatawag na photokeratitis. (Itutuloy)