Aswang family (29)

SI ADWANI, ang bad fairy, ay pinalipad ang kotse sa ibabaw ng  traffic. Natutuwa ang masamang diwata sa dusang sinasapit ng ‘Aswang Family’. “I can do magic! Kasi, I’m da greatest! Ha-ha-ha-haaa!”

Nakita ng mga motorista ang kotseng lumilipad sa ibabaw nila; nataranta ang mga ito; iba-iba ang reaksiyon.

 â€œAaaahh!”  “Ano ‘yon?” “It’s magic, Daddy!”

Nagkabanggaan tuloy. Krassh. Kablamm. Screecchh.

Napatili-napatawa  sa aliw si Adwani. “Eeee! Ha-ha-haa!”

SA BAHAY na bato, kinausap uli ng ‘Aswang Family’ ang binatilyong boy.

“Telco, para pala siguradong ligtas ka kapag kami’y aswang, magkulong pa rin kayo ni Foxy sa bodega.”

“Tama ang nanay ko, Telco, safe kayo ng aso doon,” segunda ni Shalina sa sabi ni Aling Mameng.

NAG-UUSAP ang magbiyenang lalaki. “Greco, naminsala ka ba kagabi?”

“Hindi po tao ang tinadyakan ko hanggang mamatay, Itay Sotero. Asong kalye ho.”

“Putsang ama ka! Bakit mo ginawa ‘yon? At sa kawawang askal pa na tiyak na gutom!” Galit si Mang Sotero sa manugang.

“Itay Sotero, dapat nga ho—tao ang tadya­kan ko, iyon ang papel ko bilang Tikbalang. Mabuti na hong hindi ako nakapatay ng tao…”

Napabuntunghini­nga ang biyenan. “Ewan ko sa ‘yo, Greco.  Kung nakita ko ang kalupitan mong ‘yon, ginulpi sana kita.”

“Kayo ho ba ay nakaiwas na huwag saktan ang mga tao, Itay Sotero?”

“Wala kang pakialam, Greco! Kaya tayo ginantihan ni Adwani—dahil pinakialaman mo siya!” 

Hindi masabi ni Greco sa tatay ni Shalina na ito ang original lover ng bad fairy; na dito unang dumanas ng kabiguan sa pag-ibig ang diwata.

Huminahon naman ang matanda. “Nang maging bading na kapre ako…hindi ko magawang manguha ng tao…dapat,  itatago ko ang tao sa ilalim ng iskuwelahan…patayin siya sa takot…

“Pero pusong ba­ding ako bilang kapre…kaya ang kinuha ko’t itinago sa ilalim ng iskuwelahan—isang biik…

“Ang ikinalulungkot ko lang, napatay ko si Uncle Saro.”

ITUTULOY

Show comments