‘Babaero’ kaya siya?

Mahirap malaman sa unang pagkikita ng iyong ka-date kung siya ay babaero o tapat sa kanyang motibo bakit ka niya nililigawan. Narito ang ilang palatandaan na siya ay “babaero”.

Nagmamadali siyang mai-date ka sa isang pribadong lugar – Iisa lang ang nasa isip ng isang babaero  ito ay ang maka-score, kaya naman mamadaliin ka niyang sumama sa kanya sa isang madilim at pribadong lugar. Dahil bukod sa naka-score na siya, nakatipid pa siya dahil hindi naman siya gagastos ng sunod-sunod kapag kayo ay nasa ganitong lugar na.

Nagyayabang na nagkaroon na siya ng maraming babae – Kapag ito na ang naririnig mo sa kanyang kuwento, tumakbo ka na, dahil 100% na siya ay isang “player”.

Nakikipag-chat siya kahit sa estranghera – Okey lang kung talagang ang lalaking ito ay palakaibigan, ngunit kung mapapansin mong halos lahat na lang ng babaeng nasa kanyang paligid ay nais niyang i-chat, mag-isip ka na kung itutuloy mo pa ang pakikipagrelasyon sa kanya.

Agresibong makuha ang iyong “contact number’ -  Upang mas lalo ka niyang pakiligin, agad niyang hihingin sa’yo ang iyong contact number.  Kapag nakita niyang ikaw ay kinilig sa kanyang ginawa, mas lalo niyang bibilisan ang kanyang “panliligaw” kuno sa’yo.

“Extra-nice”  siya sa’yo – Ang mga players ay mahilig magpasikat, kapag nakikita mong “extra-nice” siya sa’yo kahit kayo ay nasa publiko, dapat na maging babala ito sa’yo at mas lalo siyang kilalanin, dahil ang mga “players” ay magaling din magkunwari gaya ng kasabihang “ A wolf on a sheep’s clothed”.  Dapat mong paganahing mabuti ang iyong kutob at isip.

Nais niyang laging pag-usapan ang tungkol sa “sex” -  Kung napapansin mo na  mahilig siyang magkuwento ng mga “sexcapades” ng kanyang mga kaibigan o lagi niyang tinatanong ang iyong mga nakaraang relasyon, iisa lang ang ibig sabihin nito, nais niya agad na may “mangyari” sa inyong dalawa.

Inaakit ka niya – Gagamit siya ng iba’t ibang bagay para ikaw ay kanyang akitin. Maaaring ikuwento niya sa’yo ang mga bagay tungkol sa kanyang ex at sa kanyang sex life. Hanggang sa mailagay na niya sa iyong isip na normal lang na pumasok sa isang “wild relationship”.

Show comments